A Travellerspoint blog

Queen of All Menggah, Kung Kani-kanino Nakikipag-affair

Next on The Bash!

ka.jpg

Posted by postergurl 21:39 Comments (0)

3 Babae, Isang Lalaki

Next on The Bash!

jo.jpgsc.jpgtv.jpg

Posted by postergurl 21:30 Comments (0)

Petite Director, Ang Bagong Denial Queen?

Next on The Bash!

nv.jpg

Posted by postergurl 21:27 Comments (3)

Morenong Action Star, Strikes Again

Next on The Bash!

cm.jpg

Posted by postergurl 21:24 Comments (0)

Seksing Kulot na Aktres, Lesbiana?

Next on The Bash!

ac.jpg

Posted by postergurl 21:23 Comments (1)

NOTICE TO THE PUBLIC:

Views expressed in the article are those of the contributors. The management is not liable for the views expressed by readers exercising their right to freedom of expression.

Bago pa man muling pumailanlang ang programang ito ay kabi-kabila na ang mga papuri at magagandang mensahe ang natanggap ng istasyon. Maraming salamat sa inyong pag-aabang at walang sawang suporta.

Pero sa kabila ng muling mainit na pagtanggap sa programa ay singdami naman ang mga umapela na wag nang ituloy ang relaunching ng show. May mga sikat na celebrities, mga feeling sikat pa rin na celebrities at mga di naman sikat na tao ang nakiusap sa ating staff and crew at sa management na pigilin ang pagpapalabas natin ngayong gabi.

Pero nagpapasalamat pa rin kami sa kanila.
Dahil alam naming andyan lang sila kaya...
CAREFUL! CAREFUL!
Kung ayaw nyong ma-isyu, wag nang gumawa pa ng isyu.

The show must go on kaya!

ABANGAN MAMAYA!

Office Celebrities Go Merry-Go-Round

mag.jpg

Posted by postergurl 14:01 Comments (1)

Ad Director, Hinuhuthutan ang Newest Telenovela Princess

Chika Minute, Chikang Mainit

ba.bmpld.bmp

Bago pa lang sumisikat itong si Newest Telenovela Princess ay pinupormahan na agad sya ng kanyang mga co-stars sa sumisikat ngayon na teleseryeng "Limang Bituing Nagniningning". Isa na dito si Baby Face Young Actor na napabalitang iniyakan ang ating bida dahil sa pakikipag-date nito sa isang Ad Director na taga Channel 4.

Nabanggit na dati ni Newest Telenovela Princess na crush niya itong si Ad Director noon pa man at saka lang sya niligawan nito ng mag-umpisa na syang sumikat.

Pero ang nakakaloka, nagngingitngit daw ngayon ang mga kaibigan ng dalaga pati na ang staff and crew ng teleserye dahil diumano ay hinuthutan lang sya ni Ad Director.

Nakapanayam namin ang isa sa mga director ng nasabing programa na may I confess daw itong si Newest Telenovela Princess na inutangan daw sya ni Ad Director ng P500,000.00 at hanggang ngayon ay di pa rin nito binabayaran. Dagdag na tsika pa ay nagpapalibre din daw ito ng lunch. With matching hingi pa ng sukli sa value meal. Hay naku! Makapag-crunchicken na nga muna.

Posted by postergurl 12:14 Comments (4)

Paalam Mga Dahu! Hulala Na!

Top 7 Deadly Sinners sa Channel 7

PAALALA: Anumang pagkakahawig sa mga pangalan ng tao, lugar, bagay at mga pangyayari ay hindi sinasadya at pawang pagkakapareho at kathang isip lamang.

Hulala #1: Ilusyunadang Aktres

imagesCA8O4DDB.jpg

Hulaan kung sino itong si Ilusyanadang Aktres na tingin niya lahat ng lalaki ay may gusto sa kanya. Isa na diumano dito si Cutie Action Star.

Clue: Dating magkasama sa show na "Daba Daba Doo E.T." si Cutie Action Star at si Ilusyunadang Aktres bago pa man naging Acting Workshop Coach ang huli. Yun na!

Hulala #2: Cutie Action Star

imagesCATATVJJ.jpg

Mahulaan nyo kaya kung sino itong si Cutie Action Star na na-link sa isang Mahaderang Sexy Star na dating taga-Upper Eastside while ka-relasyon nya ang isa sa mga taga-MTRCB?

Clue: Sikat na sikat itong si Cutie Action Star sa Channel 7 lalong-lalo na't marami ang nahuhumaling sa kanya na mga taga-Upper Eastside.

Hulala #3: Mahaderang Sexy Star

phoem.jpg

Konek na! Sino naman itong si Mahaderang Sexy Star na lahat na lang yata ng lalaki (sabi ko straight na mga lalaki) sa Channel 7 ay nakaulayaw na nya. Kabilang na dito si Machong Action Star. At malay din natin kung sinu-sino na rin sa mga taga-Channel 4 ang naka-do nya no!

Clue: Sandali lang na namayagpag si Mahaderang Sexy Star sa Channel 7. Pero tuloy-tuloy pa rin kaya ang pakikipag-relasyon niya kay Cutie Action Star?

Hulala #4: Machong Action Star

rob.jpg

Ito naman ang male version ni Adikerang sexy Star sa Channel 7. Konek da dots ika nga sila ni Adikerang Sexy Star na muntik nang naging dahilan ng totoong buhay na bakbakan nila ni Cutie Action Star at mabuti na lang ay napigilan ni Former Gay Beauty Queen.

Clue: Kabilang sa cast ng pinakabagong teleserye sa Channel 7 itong si Machong Action Star na ang prodyuser ay walang iba kundi ang prodyuser din ng programang ito.

Hulala #5: Former Gay Beauty Queen

jf.jpg

Saglit lang 'to. Ipinagmamalaki ni Hunky Hearthrob from Channel 4 na nakaulayaw na niya si Former Gay Beauty Queen. Bunggah!

Clue: Di na nag-renew ng kontrata si Hunky Hearthrob from Channel 4 dahil pumunta na sya ng Holywood noong nakaraang buwan lang. At si Former Gay Beauty Queen naman ay masaya na sa kanyang dyowang AfAm ngayon. Hindi naman si Former Gay Beauty Queen ang naging dahilan kaya siya umalis ng Pilipinas. At lalong hindi naman si Hunky Director na dati niyang kaibigan na dating na-link kay Gay Hearthrob. Magulo ba? Next Hulala na nga!

Hulala #6: Gay Hearthrob

7jb.jpg

Saka na natin pag-usapan si Hunky Hearthrob at si Hunky Director dahil pareho silang mga taga-Channel 4 dati. So go muna tayo kay Gay Hearthrob. Medyo nananahimik itong si Gay Hearthrob ngayon dahil sa muntik nang ma-eskandalong pagkaka-link niya kay Hunky Director. Natatandaan nyo pa ba kung sino si Hunky Director? Hay naku! Mag-review muna kayo sa link na ito:

Clue: Sino si Gay Hearthrob? Siya lang naman ang kinababaliwan noon ng magkaibigang Sosyalerang Celebrity Doctor na si K at ni Virginal D. Produkto itong si Gay Hearthrob ng sikat na sikat noong Star Circle youngstars from Upper Eastside.

Hulala #7: Ang Pagbabalik ni Virginal D.

jl.jpg

Sana naman ay mahulaan niyo na kung sino si Virginal D. D pa rin?

Clue: Sige. Isa na sya sa mga direktor ngayon ng Upper Eastside. Matapos ang ilang taong pagkakahumaling niya kay Gay Hearthrob ay ito na naman at may bago na naman siyang kinahuhumalingan. Hindi si Newcomer Action Star ng Upper Eastside na si F. Hindi rin naman si Newcomer Leading Man ng "Limang Bituing Nagniningning". Hindi rin si Newcomer Hearthrob ng "Limang Bituing Nagniningning" dahil pinupuntirya na sya ngayon ng Sosyalerang Celebrity Doctor na si K. Walang iba kundi si... Matangkad na Morenong Aktor.

Ay... pito na ba? Marami pa sana. Saka na lang. Lipat na naman tayo sa Channel 4 bukas.

Ihanda na ang mga remote!

Hulala!

NEXT on THE BASH 2: Four Play sa Channel 4

Posted by postergurl 18:39 Comments (4)

The Bash Hidden Files... Exposed!

Buena Mano Pasabog #1

BIGating Direktor, Na-Take Home ni Dating Showbiz Reporter

bm.bmp

mc.jpg

Umpisahan natin ang show natin ngayong gabi mula sa pinakamalaking personality hanggang sa pinakamababa... kayo na ang bahalang humusga.

Maniniwala ba kayo na papatulan ni BIGating Direktor ang Dating Showbiz Reporter na itesh?
Why not coconut?
It's a giant smelly nut!

Ang chika ng ating most reliable source ay naganap ang nakakasukang eskandalong ito noong nakaraang Annual Showbiz Gathering. Ani pa ni most reliable source ay lasing na lasing na si BIGating Direktor at pawis na pawis naman ang kilikili nitong si Dating Showbiz Reporter nang um-exit sa joint post-party celebration ng mga Upper Eastsiders, Supermodels at Acting Workshop Directors sa isang kalapit na bar.

Proud na proud daw na nag-share itong si Dating Showbiz Reporter kay most reliable source kinabukasan na halos masuka-suka ang huli dahil sa detalyadong pagsasawalat nito sa mga naganap after nilang um-exit sa party.

Kung proud na proud itong si Dating Showbiz Reporter ay sya namang ikinadidiri ni BIGating Direktor ang naganap sa kanilang dalawa. narinig diumano ng kaibigan nating si Seksing Kulot na Aktres na kinakantiyawan ng mga network bosses itong si BIGating Direktor na ang sabi ay, "that's the most embarassing (sexual) experience of my life. Aaaarrgghhh..."

Umabot na kaya ito sa dating ka-secret affair ni BIGating Direktor na si Petite Director na taga-Channel 7?
Huwag naman sana at baka magsuka pa si Petite Director.

Clue: Wala na si Dating Showbiz Reporter (kaya nga "dati") from Channel 7. Si BIGating Direktor naman ay bumibisi-bisita na lang sa Channel 4 at minsan sa Channel 7 (iniiwasan nya kaya si Petite Director?) ngayong pang-national TV na ang show nya.

NEXT on The Bash 2: 7 Deadly Sinners from Channel 7

Posted by postergurl 18:36 Comments (1)

Da Wat??? No More Dahu?

Stars. Exposed. Revealed. Unmasked.

Handa na ba kayo?

anonymous.jpg

Handa na ba sila?

anonymous2.jpg

Handa na ba kayong lahat?

anonymous3.bmp

ABANGAN

Posted by postergurl 12:55 Comments (2)

Handa Na Ba Kayo?

Heto na... heto na... heto naaaaaaaaaaa!

Due to insistent public demand...

bash_logo.bmp

The BASH is BACK!

Mas Dobleng Pinalakas!

Mas Dobleng Pinatindi!

At MAS DOBLENG EKSPLUSIBO!

THE BIGGEST AND THE HOTTEST STARS!

WALANG TIGIL!

WALANG MAKAKAPIGIL!

ABANGAN

Watch for the Premiere Telecast on June 10, 2011 (Friday)

Posted by postergurl 12:02 Comments (1)

(Entries 46 - 56 of 56) « Page 1 2 3 [4]