A Travellerspoint blog

Porbidang Love (Part 1)

Face-to-Face Presents

ws.bmp

Kumusta na man kaya itong sina Big Time TV Personality at si Former Politician Turned TV Host na kung magkasalubong sa lobby ng ABS-CBN at GMA ay parang halos di magkakilala pero yaon pala ay may kakaibang misteryo na palang namumuo sa kanilang dalawa.

Misteryoso nga ang dalawa dahil dati namang magkasama sa iisang show ang ating mga bida pero ngayong nasa magkakabilang istasyon na sila tila parang wala namang namamagitan sa kanila.

Pero kwidaw ka day at dong! Higit pa sa inyong inaakala ang namamagitan sa kanilang dalawa. Kalat na kalat na at gasgas na gasgas na ang love story ng dalawa sa dating channel na pinagbibidahan nila kaya nga may chika-chika na pinakiusapan na lang ni Big Time TV Personality ang isa sa mga Network Big Bosses na kunin na ring host itong si Former Politician Turned TV Host sa isa sa kanilang mga show doon sa dako pa roon para makaiwas na rin ito sa intriga. Hahay... paano naman kaya makakaiwas ang ating amigah kung nasa same channel sya ng inyong pinakapaboritong programa. Yun na muna!

Posted by postergurl 01:41 Comments (3)

The Bash Proudly Presents!

Bashfully Yours, Face-to-Face Host

ap.jpg

Hello Bashers!

May I present to you our bagong kapamilya...
Siya lang naman ang nag-iisang reyna ng intriga.
Ang walang inaatrasang mahadera ng chika.

Hanapin ang mga kasagutan.
Harapin ang buong katotohanan.
Heto na ang pinaka-etchoserang si Face-to-Face Host!

Posted by postergurl 00:08 Comments (2)

Alisan, Lipatan, Layasan at Talsikan

Chika Minute

imagesCA30RNNN.jpgt2.jpgrv.jpg

Gaano ka-totoo na nauuso na naman ang alisan ng mga talents sa mga shows ngayon? Una na dito ang napapabalitang paglalayas ng ilan sa mga cast ng isa sa pinakamabagsik na programa ng Channel 4 na "Ikalawang Yugto ng Langit"? Sunod na tsismis ay ang unti-unting pag-aalsa balutan ng mga talents ng Channel 7 kasama na dito ang long-term contract star na si Diva-divahang Diva.

Diva-divahang Diva: "Huh? I don't know anything about that issue... May narinig ako na may offer nga ang TV5 sa ilan sa mga artista ng Channel 4. And I just found out na umabot na rin ang offer nila sa ilan sa mga artist ng Channel 7 pero wala pa namang confirmed na umalis o lumipat na talaga sa network na yan."

Pero totoo nga bang aalis na din sya at lilipat na rin sa ibang network?

Diva-divahang Diva: "Matagal na tsismis na yan. Well, may mga magagandang offers lately pero I'm still thinking kung tatanggapin ko or not. Eh, tapos na rin ang 5-year contract ko dito sa network so right now I still have a month to think kung magre-renew ba ako."

Sa kabilang channel naman ay nakausap natin ang producer ng "Ikalawang Yugto ng Langit" at ito lang ang naging pahayag niya: "EH DI LUMAYAS KAYONG LAHAT! KAYO LANG BA ANG ARTISTA? AKALA NINYO MAGAGALING TALAGA KAYO? SIGE, LAYAS!"

Uhm... mukhang kumpleto pa naman pala ang cast ng "Ikalawang Yugto ng Langit".

Posted by postergurl 23:20 Comments (8)

Matimtimang Director: "I'm Warning You!"

The Bash Exclusive

jj2.jpg

Nakapanayam namin over teleconference si Face-to-Face Host at inihayag nya ang napabalitang kaguluhan sa isang Sunday variety Show noong... eh di noong Sunday nga! Di raw kasi nagsidatingan ang ilan sa mga talents dahilan upang ilan sa mga artists ng show ay kailangan pang mag-repeat performance at mag-lipsynch nang 1 melyon times. Kataka-taka daw ang biglaang pag-no show ng mga talents na halos ikabagsak ng rating ng show noong... noong Sunday nga!

Pero gaano ka-totoo na ang puno't dahilan ng kaguluhang ito ay si Matimtimang Director na tila ay malaki na nga daw ang ipinagbago ng aura. Ayon kay Face-to-Face Host ay di naman daw ganito ang pag-uugali ni Matimtimang Director na dati niyang co-host sa Channel 4 noon. Umeksena naman ang isang Segment Writer ni Face-to-Face Host, "hay naku, Face-to-Face Host! Mukhang nasasaniban talaga yang si Matimtimang Director... kumbaga wala syang sariling identity. Confused baga! Baka naman kasi feeling magaling na sya kasi nasa isa sya sa magagandang programa ng network kaya nag-dedemonyi-demonyitahan yan! Hay naku! Alam mo bang kaya nagsialisan ang mga staff and crew ng Magazine Show namin noon ay dahil na rin sa kanyang mala na-possessed na personality?", ito ang manginig-nginig na statement ng Segment Writer ni Face-to-Face Host.

Dito na nag-umpisang magsalita si Face-to-Face Host, "isa sa mga talent ng show ay pinatalsik na dahil daw tinawag niyang istupida si Matimtimang Director. At lampas hanggang sampu na raw ang gustong magpaalam sa show ngayon dahil di na raw nila kaya pang mag-perform under her direction. Sana naman ay ma-address itong isyung ito."

Nag-tweet naman sa The Bash ang isa sa mga ka-close ngayon ni Matimtimang Director na sumusunod lang daw ito sa guidelines ng show at hate na hate lang daw nito ang mga abusadong talents ng show dahil talagang minamaliit na daw sya. Heto ang tweets ni The Other Matimtimang Director:

The Other Matimtimang Director: @TheBash @MatimtimangD is just doing her job. Which is to discipline the talents and save the show from having low ratings. I would do the same if I am @MatimtimangD. For the talents, for the show, for the channel, for the network and for the Filipinos.

Ano daw??? Hay naku... kung gaano man katotoo o kalaking kasinungalingan ang mga ito ay bukas ang The Bash para sa panig ni Matimtimang Director.

Posted by postergurl 22:55 Comments (14)

Superstar ng Upper Eastside, Magbabalik Showbiz?

Chika Minute

pm.jpgvr.jpg

Masayang kinumpirma ng maganda nating kaibigang si Gay Beauty Queen Director ng Channel 7 ang napipintong pagbabalik ni Superstar ng Upper Eastside matapos itong mawala at napabalitang na-depress at na-confine sa rehab. Pinasinungalingan din ito ni Gay Beauty Queen Director ng Channel 7 dahil talagang huminto lang daw ang kaibigan nya sa showbiz dahil nami-miss na nito ang kanyang pamilya sa Bermuda.

Gay Beauty Queen Director ng Channel 7: "No, it's not true. My friend Superstar ng Upper Eastside did not go to rehab."

Pero bakit nga ba ito huminto sa pag-aartista while nasa tugatog pa ito ng tagumpay? At bakit hanggang ngayon ay may mga lumalabas na mga balita na naging malubha nga daw ang naging kalagayan ng kanyang kaibigan noon.

Gay Beauty Queen Director ng Channel 7: "Let's just ask my friend Superstar ng Upper Eastside what really happened. What's important right now is that we all know that my friend Superstar ng Upper Eastside is all okay. OKAY?"

Okay!

Posted by postergurl 22:42 Comments (7)

Fashionista Couple, Hiwalay Na!

Chika Minute

fc.jpg

Nabanggit na lang man din natin si Fashion Show Director ay isali na rin natin sina Fashionista Couple- si lalaki po ay taga-Channel 4 while si gurlalo naman ay taga Channel 7. Medyo matagal-tagal na rin silang hiwalay pero ngayon ay iko-confirm na natin for the benefit of our followers na caught in between Channels 4 and 7. Uu na, hiwalay na nga sila.

Posted by postergurl 22:38 Comments (1)

Mestiza Sexy Actress, Magpapakasal na?

Chika Minute

cr.jpg

Desidido na nga daw na lisanin ni Mestiza Sexy Actress ang Upper Eastside dahil magpapakasal na raw siya sa kanyang bagong dyowang taga Inglatera kaya walang katotohanan ang mga lumalabas na isyu na lilipat na sya ng ibang network noh!

Posted by postergurl 22:31 Comments (7)

Fashion Show Director, Mahilig Mag-Take Home?

Caught-In-The-Bash

bb.jpg

Is it trulili Mother Lily na mahilig daw talagang mag-take out, dine in at bring home itong si Fashion Show Director? May nag-tweet sa ating beautiful Face-to-Face Host na may naka-sight seeing daw one early morning kay Fashion Show Director na may I go out sa taxi... with a boylet.

May I butt in naman ang friendship ni Face-to-Face Host na si Direk Erik Cuisine na, "of course! Fashion Show Director is very in demand right now so do not question why (s)he's seen with different menchung!"

Well, oh well... talagang known na man talaga na magaling sa mga keks itong si Fashion Show Director kaya lang this time ay medyo iniintriga ang kanyang ka-date that early morning.

Direk Erik Cuisine: "Eh dahu? Di naman sya nag-tweet kung sino dahu?"

Face-to-Face Host: "Dahu is da head of the maintenance department."

Direk Erik Cuisine: "Oh no, but dahu is obviously maya-maya puto-maya?"

Face-to-Face Host: "Trulili... so may I change na lang the title of this article to- Fashion Show Director, Lesbiana!"

Posted by postergurl 19:00 Comments (5)

Matimtimang Director, Sinner or Saint?

Chika Minute

jj.jpg

Kumusta na man kaya itong si Matimtimang Director na akala mo ay super bait pero yun pala ay itinutulak na sa impyerno ang kanyang mga talents sa show? Repeat history ba ito?

Posted by postergurl 18:33 Comments (11)

TV Network Executive ng Channel 4, Nagparetoke?

Chika Minute

ev.jpg

Kapansin-pansin nga ang biglang pagpapaseksi at pagpapabata ni TV Network Executive ng Channel 4. Balitang nagparetoke daw ito. Pero may nag-tweet na all-natural daw talaga ang new look ngayon ni TV Network Executive ng Channel 4 at walang halong siyensya. Uu nga naman! Pero ano itong lumalabas na chika na mayron daw itong pinakonsyensya kaya beautiful ever again ang ating si TV Network Executive ng Channel 4. Pakisagot nga Sosyal na Celebrity Doctor?

Posted by postergurl 18:19 Comments (0)

Sosyal na Celebrity Doctor, Nalilito

Chika Minute

vb.jpg

Matapos maunsyami ang pag-ibig nitong si Sosyal na Celebrity Doctor kay Payatot na Mestisong Aktor ay may bago na naman itong kinahihibangan. Nabanggit na namin noon pa ang mga bunggang-bunggang pagkaka-link niya sa mga colorful showbiz personalities before na sina Mayette Public Service Newscaster, Gay Hearthrob at ang konek ng mga ito kay Hunky Director na dati niyang ka-close pero ngayon ay tila nabahiran na ng masamang kulay ang kanilang ugnayan. Pero tila di pa rin sumusuko si Sosyal na Celebrity Doctor at nalilito ito kung sino kina Newcomer Leading Man at Baby Face Young Actor ang susunod na aalayan niya ng kanyang busilak na pag-ibig. Isa lang ang masasabi namin sa yo Sosyal na Celebrity Doctor... Careful, careful!

Posted by postergurl 18:10 Comments (8)

Newest Telenovela Princess, Takot

Bash Express

ba5.jpg

Kung dati daw ay head-over-heels si Newest Telenovela Princess kay TV Ad Director ngayon daw ay hide-and-seek na ang drama nilang dalawa. Iniiwasan na daw ni Newest Telenovela Princess si TV Ad Director ngayon dahil para na itong na-oobsessed sa kanya with matching tambay sa harap ng bahay at text ng "Hi kay Papa mo," "Hello kay Nanay mo," "goodnight sa ate mo", "sleep na u?" at kung anik-anik pa.

Advise namin sa yo Newest Telenovela Princess na ipa-blotter mo na lang kaya yang si TV Ad Director.

Posted by postergurl 18:02 Comments (0)

Stage Director, Malakas "Magpaputok"

The Bash Express

kuya.jpg

Pasintabi po!

Akala ng mga elitistang stage actors and actresses na expression lang ni Engliserong si "Kuya" ng PBB House ang term na "Imburnal-ish". Yun pala ay ito ang deskripsyon niya kay Stage Director na mahilig magpaputok.

Napatunayan ito ng isang Elitistang Stage Actress nang magkaroon sila ng story conference. Halos ilang distansya lang daw ang layo nila nang may maamoy itong parang umaalingasaw na imburnal. Yun pala ay galing ang amoy sa bibig ni Stage Director. Pinatotoohan din ito ng leading man ni Elitistang Stage Actress na hindi lang daw ang bunganga nito ang amoy imburnal kundi pati paa nito ay parang amoy potato chips na Sour Cream ang flavor.

Hindi na ito sekreto sa staff & crew ni Stage Director dahil halos lahat sila ay nauubusan na daw ng oxygen pag kausap nila ito. Pero ang nakapagtataka ay paano ito nalaman ni Engliserong si "Kuya" ng PBB House gayong hindi naman sila halos nag-uusap dahil nga hate na hate nga nila ang isa't isa. Hmmm... di kaya isa sa mga hosts niya ang chumika sa kanya?

Posted by postergurl 18:44 Comments (2)

Sexy Morenang Aktres at Morenong Action Star, Nagkabalikan!

Chika Minute

c_s.jpg

Magandang balita naman!

Mukhang okay na naman ulit sina Sexy Morenang Aktres at Morenong Action Star. Balita ay pumunta umano ang dalawa sa Amanpulo para ayusing muli ang kanilang relasyon.

Sana naman ay tuloy-tuloy na ito hanggang simbahan.

Posted by postergurl 18:40 Comments (1)

Pasaway na Action Star, Tsinugi na sa Show

Chika Minute

rp2.jpg

Wala na nga sa show si Machong Action Star. Nagpaalam diumano ito na aalis na sa programa dahil sa personal na dahilan. Nakapanayam namin ang tagapamahala ng show at naging maayos naman daw at nasa tamang proseso ang pag-alis ng aktor. Yun nga lang, wala ni isa man sa management ang pumigil sa kanyang pag-alis dahilan upang madaliin nito ang pagbabu sa show.

Sa kabilang banda ay para namang nabunutan ng tinik si Strict-Looking Director at si Miss TV Network Executive dahil wala na ang kanilang pinangangambahang stalker-admirer.

Posted by postergurl 17:40 Comments (0)

(Entries 16 - 30 of 56) « Page 1 [2] 3 4 »