A Travellerspoint blog

By this Author: postergurl

Can-Can Gurls versus Makati Ladies

The Bash Exposed

can2.jpg

The Can Cans?

Mukhang isang malaking awayan ang magaganap between the attention-grabbing na mga Can-Can Gurls at ang mga pa-simple lang na "Local IT Girls" na binansagan na ngayon ng Can-Can Gurls na mga "Makati Ladies" as in "makakating mga babae".

Ayon sa ating source ay nadulas diumano ang dila ng isa sa mga pinagdududahang Can-Can Gurls while sipping Starbucks coffee na talagang binanggit daw nito ang pangalan ng isa sa mga Local IT Girls na "maharot". At ito daw ang mga eksaktong naging pahayag nito.

"Ew, that [namesung ng isa sa mga Local IT Girl na itago na lang natin sa pangalang Bugels Paraiso] girl was caught by Tsinitong Director making harot to that who-knows-who-actor from Channel 4 while making laklak in a bar."

"That Bugels Paraiso girl is talagang may repyu (reputasyon) na maharot and she has a BF pa naman na Weather Reporter. Hay naku, manang-mana talaga ang mga yan sa leader-leaderan ng grupo nila na and the other gurlalooh na may pagka-nympho rin ang repyu."

Biglang napahinto ito sa kanyang litanya nang matimbrehan nito ang ating source na nakikinig sabay tapon sa kanyang Starbucks cup sa trash can, "Hay naku! Ang dami-dami talagang girls na basura na ang repyu sa Channel 4!"

Dahulala ang mga...

x2_6bdb2amaxene.jpg

The ITchy Ladies?

Posted by postergurl 20:02 Comments (1)

Mga Channel 4 Talents Ayaw Lumipat sa Channel 7

Chika Minute

090410-magicball.jpg

How trulili na anim daw sa cast ng "Ikalawang Yugto ng Langit" ay nagmamatigas na lumipat sa "Upper East Side"?

Cast#1: "Aba! Para maging ano ang role ko sa UES? Extra? Eh, I'm one of the bida kaya sa IYNL! Ayoko!!!"

Cast#2: "And I don't wanna be part of that show baka ma-typecast ako na maarte at feelingera kagaya nila. No way!"

Cast#3: "Mas lalong ayoko! I heard na ang chaka-chaka daw ng mga directors at talent manager(s) nila. Basta! Ayoko!"

Cast#4: "My gehd... Bahala nang mawalan ako ng show wag lang akong ilipat sa papalaos na show na yan!"

Cast#5: "Oo nga! Mas bagay kaya ako sa mga kontrabida roles. Ayoko kayang mag-anghel anghelan! Hmp!"

Cast#6: "And ayoko na kayang buhayin ang namatay ko nang pag-ibig kay Petite Male Director... matapos nya akong pagsawaan. Tse! Tse! Tse!"

Upper East Side Director Turned Network Executive: "Bahala na nga kayo! Kayo na nga ang bibigyan ng project. Hahay..."

Posted by postergurl 03:42 Comments (1)

MEDIA BLACK OUT

What's Cooking The Bash?

oilspillcensorship.jpg

WARNING: PLEASE BEHAVE PROPERLY

...your issue's just a click away.

dls.jpg

ABANGAN ANG IYONG ISYU 'TONG LINGGONG 'TO

Posted by postergurl 19:13 Comments (2)

Kulot na Seksing Aktres, May Binasted na Naman!

The Bash Express

ac4.jpg

Another one down?

THIS ARTICLE HAS BEEN REMOVED DUE TO CONFLICTING PARTIES INVOLVED.

Posted by postergurl 18:21 Comments (3)

Queen of All Menggah, May BF Na... Naman!

Chika Minute

ka2.jpg

Nakakatuwa naman at masaya na ngayon si Queen of All Menggah sa lovelife nya. Tumpak! may boylet na nga sya. So dapat ikatuwa ito ni Diva-divahang Diva dahil nabawasan na ang karibal niya kay Hottest Leading Man.

Posted by postergurl 18:19 Comments (0)

PMA, NTA, MMA... atbp!

The Can-Can Gurls Exclusive (Part 3)

mnl_mb.jpg

Kakatuwa naman ang ating mga Can-Can Gurls kung mag-chikahan. Puro abbreviations pala ang gamit nila para lang di sila ma-obvious kahit na nasa tabi-tabi lang ang pinag-uusapan nila. Sample na dito ang tsismisan nila while buiyng premiere tickets ng "Transformers" noong nakaraang Sabado.

Pudding Baretto: Hay naku... kelan ba mali-lift ang restraining order ko para naman makabalik-show na ako. Natatakot tuloy ako pati mag-guesting guesting kasi sabi ng manager ko na si Former MD Now TNE masyado daw matalim ang dila ko at baka kung ano na namang isyu ang kasasangkutan ko.

Shudi Ann Santos: Oo nga naman, mare... may pagka-harsh ka talaga. Remember when you were quoted saying something about that Chak Norris na Maputing KKA? Haha...

Vetsin Baretto: Sino? Siya ba yong friend ni Petite na MA? Na kagalit ngayon ni P na Mestizong Actor according to Mashobang MA?

Loofah Gutierrez: I heard kasi na bitter-bitteran si Petite na MA dahil iba na naman ang kinahuhumalingan ngayon ni P na Mestizong Actor.

Pudding Baretto: Dahu?

Shudi Ann Santos: Da Newest TVP!

Vetsin Baretto: Newest TVP? As in si Newest Telenovela Princess.

Loofah Gutierrez: Correct! And may I give a food daw itong si Newest TVP kay P na Mestizong Actor and may I text and may I email.

Pudding Baretto: Aba? Ang gwapo-gwapo naman ng P na Mestizong Actor na yan.

Shudi Ann Santos: Baka naman sa susunod ay uutangan na naman niya si Newest TVP hindi lang 500 taw pesosesoses kundi melyon-melyones na!

Vetsin Baretto: Hahaha... parang si Ad D?

Loofah Gutierrez: But according to my little birdies... may I turn off na daw si P na Mestizong Actor kay Newest TVP dahil nagpapakita daw ito ng interes kay P na Mestizong Actor. What can you say Mareng Vetsin? Di ba magkasama kayo sa isang shampoo commercial?

Vetsin Baretto: Hmmm... I don't think tama yang isyu na yan kasi Newest TVP is just friendly, and good-natured, and nice. Baka feeling gwapo lang talaga yang payatot na yan! Para bagang si MD. Mahilig mag-asyum!

Loofah Gutierrez: O saka na muna natin ituloy ang chikahan dahil start na ng movie.

Posted by postergurl 18:09 Comments (4)

Multi-Talented Director, Nagwala

Chika Minute

ne.jpg

Kalat na kalat ang balitang nagwala at nagbasag si Multi-Talented Director sa isang bar kung saan ginanap ang kanyang album launching. Nasaksihan diumano ito ng mga taga-Channel 4 pati na ng Station Manager sa Ad Department. Andun din si Diva-divahang Diva ng maganap ang eksena ng pag-aamok ni Multi-Talented Director.

Ayon sa naunang pahayag ng isa sa mga nakasaksi na taga-Channel 4 ay mukhang nagkaroon ng alitan si Multi-Talented Director at ang rumored BF nito na si Skinhead Actor. Pero pinasinungalingan naman ito ni Diva-divahang Diva:

"No, I don't think may awayang nangyari kasi I was there when it all happened. Nagkatuwaan lang ata sina Multi-Talented Director at Skinhead Actor."

Balitang umabot sa humigit-kumulang na P400, 000.00 ang damages na nabayaran ni Multi-Talented Director sa nasabing bar. Nakunan naman ng pahayag ng The Bash si Station Manager:

"Nakakaloka ang pagwawala ni Multi-Talented Director ha! Masayang-masaya pa ang grup nila nang bigla na lang nitong pinagtatapon ang mga baso sa sahig. Dapat nga sana kakanta pa si Diva-divahang Diva pero napaaga na silang umalis dahil nga ang gulo-gulo na. Ayon pa sa isa sa mga ad models ko nakipagbugbugan pa ang kasamahan nitong sina Skinhead Actor at isa pang friend nito sa labas. Yun na, kakalokah!"

Nag-tweet naman si Multi-Talented Director nang tinanong namin sya:

@MTDirek I was just having fun. And besides, I paid for everything na binasag ko no.

Tinanong din namin sya kung nag-away ba talaga sila ng rumored BF niya na si Skinhead Actor:

@MTDirek No! Skinhead Actor is just a friend and we did not argue. No further comment.

Hmmm...

Posted by postergurl 12:32 Comments (1)

Ilang Talents ng Channel 4, Tsinugi!

Chika Minute

kap.jpg

Balitang ilang Kapamilya Stars na naman daw ang tsinugi. This time, lahat ng mga may attitude at nagdidiva-divahan daw ang pinatalsik ng management ng Channel 4.

Pero lahat naman daw ng networks ay apektado dahil confirmed na daw ang balitang may revamp ding magaganap sa Mag TV Show sa Channel 7 na hino-host ngayon ni Face to Face Host. Medyo emosyonal nga daw ngayon ang host dahil napamahal na sa kanya ang kanyang staff and crew.

Ang buong kwento sa pagbabalik ng The Bash!

Posted by postergurl 21:48 Comments (0)

Mestiza Sexy Actress, Live na Live!

Fresh from the Bashket

7cr.jpg

Nagbalik na nga si Mestiza Sexy Actress after her 2-week vacation with her latest dyowa. Pero balitang sinuspinde muna ng MTRCB ang premiere telecast ng kanyang pagbabalik soap opera.

Abangan ang fresh na fresh na mga kasagutan from Mestiza Sexy Actress tungkol sa isyung pagpapakasal niya with her Brit Actor BF at ang tensyong namamagitan sa kanila ngayon ng kanyang ex-dyowa na si Cutie Mag Show Writer.

bb3.jpgwill.jpg

Posted by postergurl 21:45 Comments (5)

Matimtimang D, Magsasalita Na!

The Bash Kaabash-abash Exclusive

pd.jpg

Abangan ang eksklusibong pahayag at paglalahad ni Matimtimang Direktor nang buong-buo dito lamang sa nag-iisang intriga capital ng bayan!

Posted by postergurl 21:18 Comments (0)

The Return of the Can-Can Gurls!

The Bash Can-Can Exclusive (Part 2)

pg.jpg

Loofah Gutierrez: Oh, really??? Grabeh naman gurl... Sosyal na Celebrity Doctor and Gay Hearthrob before. Sosyal na Celebrity Doctor and Baby Face Young Actor now. But it's going to be Gay Hearthrob and Baby Face Young Actor lang pala in the future?

Vetsin Baretto: But I don't think Baby Face Young Actor is into that kind of relationship. I asked Diva-divahang Diva kasi magkasama sila sa show pero hindi naman daw interesado sa mga ganyang bagay si Baby Face Young Actor.

Pudding Baretto: So, forever inlove with Newest Telenovela Princess na lang ba talaga si Baby Face Young Actor?

Shudi Ann Santos: Parang no chance ang mga tandems ngayon.

Vetsin Baretto: Feel ko mas interesado si Hunky Director kay Baby Face Young Actor ngayon. Hahaha!

Loofah Gutierrez: Yuch! Konek da dots na naman?

Sorpresang napadaan at bumati si Glaze Pooh Halamanzares ng MTRCB sa mga Can-Can Gurls.

Glaze Pooh Halamanzares: Oh, my favorite Can-Can Gurls! Kumusta naman?

Loofah Gutierrez: Maupo ka muna gurl at paki-rate na lang ng chika kung puwede ba ang mga ito sa live television.

Glaze Pooh Halamanzares: Aba... basta ba no violence lang.

Loofah Gutierrez: No violence, dahil puro ito love-love-love. Asan na nga ba tayo gurls?

Pudding Baretto: To that Hunky Director interested with Baby Face Young Actor.

Shudi Ann Santos: Trulili ba Mareng Vetsin? Parang kayo ata ang may constant komyu ngayon ni Hunky D?

Vetsin Baretto: Haha! I don't think so... Di naman ata magkakilala sina Hunky D at Baby F.

Loofah Gutierrez: Kwidaw ka Vetsin gurl! You know Hunky D... May I watch your movies tapos yun pala ini-spot spot na pala your leading men. Hmp!

Vetsin Baretto: Yeah, I remember Diva-divahang Diva's leading man in her MTV na si Hot Young Model Actor na hinarvat ni Hunky D.

Shudi Ann Santos: And Sosyal na Celebrity Doctor's apple of the eye noon na si Gay Hearthrob na naharvat din ni Hunky D.

Pudding Baretto: And that not-so-sikat Public Service Reporter from Channel 4... I heard.

Loofah Gutierrez: And so much more save more. Right, Miss Glaze Pooh?

Glaze Pooh Halamanzares: Ayokong mag-comment... repeat history kumbaga and Hunky D is always part of the history. You know na Loofah kapamilya natin yan dati.

Loofah Gutierrez: Oo nga! Watch out yang si Hopeless Romantic Director from Channel 4 baka ma-harvat ang kanyang Newcomer Student-Actor.

Vetsin Baretto: Kakalokah naman! Eh di ba inlabiba sya kay Hunky D dati.

Loofah Gutierrez: Korek! And here's another konek da dots- Newcomer Student-Actor is a talent of Shining Shimmering Director na dating naloka kay Hunky D!

Shudi Ann Santos: Kakalokah! Nabilaukan tuloy ako dito sa isang buong hiwa ng lechon kawali!

Posted by postergurl 20:35 Comments (0)

The Can-Can Gurls!

The Bash Can-Can Exclusive (Part 1)

can2.jpg

Naabotan naming nagba-validate ng mga hottest chikas ang mga nag-gagandahang "Can-Can Gurls" kahapon sa isang sohosyal na restaurant sa tapat ng Channel 4 at Channel 7. Mainit ang naging chikahan ng apat na mayuyuming aktres na syempre pa ay may mga kanya-kanya ring bunggang-bunggang mga isyu. Unahin na natin si Shudi Ann Santos na naging emosyonal nang tanungin ni Vetsin Baretto tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Vetsin Baretto: So, Shudi Ann... kamusta na ang movie ninyo ni Matangkad na Morenong Aktor?

Shudi Ann Santos: Wala na... kinansela na ng mother studio ang movie project namin. Para kasing di naa-appreciate ni Matangkad na Morenong Aktor ang aking effort. Hmp!

Maya-maya pa ay dumating si Pudding Baretto at naki-intriga na rin.

Pudding Baretto: Hi sister Vetsin! Hello Mareng Shudi Ann! O, ano na? Di na nga ba tuloy ang Shudi Ann Santos-Matangkad na Morenong Aktor team up?

Shudi Ann Santos: Wala na nga. As in aw na. As in forget it na no!

Pudding Baretto: How about you sister? Talaga bang it's over and done na rin ang telenovela ninyo ni Hot Married Actor?

Vetsin Baretto: Uhm... papatapos na little sister. Pero excited na ako sa next project ko with Nagbabalik na Hot Director. At least, another "hot" pa rin ang titulo di ba? You know me... I'm like a hot plate.

Nasa ganon silang usapan nang biglang umapir si Loofah Gutierrez.

Loofah Gutierrez: So, the "Can-Can Gurls" reunion ba ito? Grabeh! I so miss you gurls! Oi, Mareng Vetsin... balita ko magho-host ka na rin daw sa The Bash?

Vetsin Baretto: Oo daw sabi ng manager ko. Pero ayoko munang mag-start kasi nega pa daw ang mga sawsawera at sawsawero. Do you think may alitan sina Face-to-Face Host at Matimtimang Director?

Loofah Gutierrez: I don't think so... trabaho lang naman yang kay Face-to-Face Host and I think ini-enjoy naman ni Matimtimang Director ang atensyon sa kanya ng publiko ngayon. Hmmm... and speaking of Matimtimang Director... alam nyo ba na may I invite sya kay Shy Type Actor ni bestfriend na Matangkad na Morenong Aktor na makipag-laklakan. As in... one-on-one laklakan?

Pudding Baretto: Hmmm... I heard na may desperate housewife tendency nga daw iyang si Matimtimang Director!

Shudi Ann Santos: Ganon ba? Naniniwala na akong mas virgin pa talaga sa kanya si Virginal D.

Vetsin Baretto: Hayaan na lang si Matimtimang Director. And besides, normal lang naman na may I go out sya with her casts kasi mga may show sila together.

Loofah Gutierrez: Pero dapat iwas-intriga na lang sana sya kasi nga di naman tama na ma-isyu pa sya with Shy Type Actor and all...

Vetsin Baretto: Hmmm... buti na lang at si Shy Type Actor ang inimbitahan nya at di si Newcomer Leading Man o di kaya si Baby Face Young Actor. Hahaha!

Loofah Gutierrez: Haha... lagot sya kay Sosyal na Celebrity Doctor.

Vetsin Baretto: Hmmm... alam kaya ni Sosyal na Celebrity Doctor na umi-eksena ngayon si Gay Hearthrob kay Baby Face Young Actor?

TO BE CONTINUED

Posted by postergurl 12:26 Comments (3)

The Dark Side of Upper East Side

An Anniversary Special

Itong Linggong Ito

UPPER EAST SIDE Stars

9.jpg

Unveiled

8.jpg

Unmasked

4.jpg

Undressed

7.jpg

Unedited

ABANGAN

Posted by postergurl 23:35 Comments (0)

Bashful Quote of the Day

One Liner Chika

warning.jpg

VERBAL WARNING is equals to "I'm Warning You!"

Hearing this phrase from a person in authority would already merit you a warning. Next offense is written, then Final.

Deliver this line ala Ate Guy:
"Again! I'm warning you! Get out of my sho-hoooow!"

Posted by postergurl 02:32 Comments (13)

Another Actor, Tsinugi!

Chika Minute

tc.bmp

Tsinugi na nga itong si Former Male Pageant Candidate Turned Actor dahil na rin sa mga pasaway moves nito. Matatandaan ring tsinugi sya sa dating sitcom na una niyang nilabasan sa Channel 7 kaya lang ay dahil sa medyo kakulangan sa talent nito ay inilipat na lang sya sa isang TV Magazine Show. Paano na lang kaya si Straight Acting Model Turned Actor sa Channel 4 na balitang ka-affair niya for almost 3 months na?

Posted by postergurl 01:55 Comments (8)

(Entries 1 - 15 of 56) Page [1] 2 3 4 »